BiyaHero: Makabagong Panahon sa ating mga Bagong Bayani

By LJ Espina

Ngayong buwan ng Agosto ginugunita ang pagbibigay pugay sa ating mga Bayaning Pilipino na pinaglaban ang Kalayaan ng ating Bansa. Habang lumilipas ang panahon, mas lumalalim ang pagkaka-intindi ng bawat isa sa atin sa salitang “Bayani”.

Mula noong nagkaroon ng COVID-19, mas namulat ang mata ng mga Pilipino sa mga makabagong bayani na matapang na hinarap panganib na dulot ng corona virus. Isa sa tinaguriang bayani ay ang mga Drayber ng mga pampubliko o pribadong sasakyan, lohistika para sa mga pagkain at gamot, at higit sa lahat ay ang ambulansya.

Isa sa kailangang kaalaman ng ating mga drayber ay ang mga batas trapiko at ang ligtas na pamamaneho. Upang mas mapalawak ang kampanya ng NLEX Corporation sa kahalagahan ng kaligtasan sa daan, Ang Customer Experience and Marketing (CXM) ay naglunsad ang ikalawang BiyaHero Road Safety Caravan noong ika-20 ng Hulyo 2024 sa SMX Convention Center, Pasay City na nilahukan ng higit sa 387 na draybers mula sa iba’t ibang transport organizations.

Ang programa ay nakapaghatid ng impormasyon o dagdag kaalaman tungkol sa Transport Operations Management, Emergency Preparedness, at Journey Management Planning. Ito ay para maiwasan ang mga trahedya at paglabag sa mga batas trapiko.

Isa sa mga layunin ng programa ay ang ceremonial signing ng Mission Road Safety pledge ng mga pangunahing stakeholders, liders, at draybers na mula sa mga transport organizations. Nakasaad dito na sila ay nangangakong magmamaneho sa tamang speed limit, palaging maging alerto sa daan, at pagiging disiplinado sa paggamit ng lane.

Ang pangakong ito ay nagmamarka ng pagsisimula ng isang kampanya sa buong bansa upang mangalap ng isang milyong safety pledge sa 2025 upang mabawasan ang mga paglabag sa trapiko at mga trahedya sa daan. Ang inisyatiba ay umaayon sa layunin ng United Nations na mabawasan sa kalahati ang mga pagkamatay at trahedya sa kalsada pagsapit ng 2030.

Sa pamamagitan ng BiyaHero Road Safety Caravan, magkakaroon ng isang makabuluhang hakbang patungo sa mas ligtas na mga kalsada sa Pilipinas.


Leave a comment