By Ron Ron Revellame

Isang maliwanag na umaga, habang nag mumuni sa isang tabi
Na may hawak na panulat, kwaderno at isang tasa ng kape
Habang pinapanood ang mga matatanda na sumasayaw ng bayle,
At ang mga kalalakihan na nagkukumpune sa kanilang garahe
Wala, masarap lang pala pagmasdan ang mga ganitong pang araw-araw na buhay
Habang ang mga kabataan ay nakadungaw sa kanilang bintana
Kay sarap palang mag-isa habang nanonood sa mga nagpapalipad ng saranggola
Mag-isang tinitipon ang mga imahinasyon, na gusto ko ‘to, gusto ko ‘yan, ng walang kumukontra
Tulad ng isang saranggola, sarap sigurong makalipad ng malaya
Sumasabay sa pagpalo ng ihip ng hangin kasabay sa pag-alagwa
Hindi mo alintana ang mga problema na parang bumalik ka sa pagkabata
Gagawin ko ‘to, gagawin ko ‘yan ng hindi iniisip ang akibat nitong dala
Sige alagwa, huwag kang matakot abutin ang ang iyong mga pangarap
Hanggang ang iyong mga pangarap ay nasa iyong harap
Huwag kang magpakulong sa sasabihin ng karamihan
Gawin mo ang mga bagay na gusto mo ng may kabuluhan
Umalagwa na parang isang saranggola
Hanapin ang kalayaan na meron ka
Tanggapin na ang bawat isa ay may kapasidad na gumalaw ng malaya
Hindi ibang tao ang mag dedesisyon para sa’yo
Gumalaw ka sa desisyon na naaayon sa gusto mo .
Sa mundong puno ng paghuhusga at maling paratang,
Gumalaw ng malaya ang puno't dulo at hadlang
Kung bakit marami ang tanging hiling ay maging malaya
Tandaan, ikaw ay malaya sa lahat ng paraan na meron ka

Amirah Eloise M. Banda, Human Resources and Administration. She is a passionate individual with a love for two things – photography and dogs. When she is not behind the lens, she also enjoys going on adventures, watching movies, and listening to music.