Entry #2 Contributor: Nerize Angeles
Ang Kwentong NLEX Ko
Hindi ko na bilang kung ilang kilometro na ang aking nalakbay patungo sayo, pero tanda ko pa yung unang apak ko palapit sa pangarap ko,
Walang kasiguraduhan, walang nakakaalam, hinayaan ko lang na dalhin ako sa byahe, at damhin ang simoy ng hangin mausok man ito o payapa, inisip kung ganun talaga ang buhay, marami man tayong buholbuhol na desisyon, liko likong aksyon, o paghahanap ng atensyon,
Pero kahit anong mangyari dadalhin parin tayo ng daan patungo sa inaasamsam nating tagumpay hindi lang ng isang tao kundi ang buong pinaglilingkuran itong mamamayan .
Totoo!
hindi ko na nga bilang kung ilang kilometro na nga ba aking nalakbay, pero bilang ko ang natutunan ko sa byahe na ito, at babaunin ko ito sa susunod na lakbay na natatahakin ko .
Maraming salamat, mahal kong NLEX ❣️❣️❣️