Outgrowing Vulnerabilities and Finding Courage Within

Entry #3 Contributor: Lovely Gae Santiago

Maraming salamat sa dating ako, 
hindi naging madali ang laban pero kinaya mo,
binigyan mo ng puwang sa puso ko ang magpatawad,
ang tumingin sa ganda na hatid nito at hindi sa pait nitong dulot,
ang saluhin ang lahat ng bigat hanggang sa paggaan ng pag kapit,
ako'y hanga sa'yo sa kung paano mong tinggan ang mali hanggang sa maging tama,
ang tumalisa sa salitang hindi ko kaya, hanggang sa maging kaya ko ito.
ang makaramdan ng pagod sa iyo'y hindi alintana,
at hanapin ang kailangan nitong pahinga kahit hindi sapat pero sayo'y ito'y uubra na.
Napabilib mo ako, pero sana sa pagkakataong pinanghihinaan ka na ng loob at sa wari mo'y humihiwalay na sa'yo ang dating ikaw,
ipaalala mo sana sa'kin kung paano mo inilaban kung nasaan man ako ngayon,
at ipaalala mo sakin na minsan din akong naniwala,
kumapit at tingnan lang ang tama.

Leave a comment