Saan Ka Naging EXTRA? 

Sometimes doing a little more than what is expected of us can make a big difference. Whether it is at work, in personal life, or in love, being “extra” means putting in more effort. It also means showing more care and adding a personal touch. It’s about turning something good into something great. In this article, we will listen to what our employees shared about being extra. They explain how it can make a big difference in their lives.

Image Source: Adobe Stock
  1. Jennie Gonzales, Toll Operations

Gusto ko lang po ishare ang aking kwento kung saan ako naging EXTRA. Masasabi ko po na naging pinakamahalagang role ko po as EXTRA is pagdating sa trabaho. Pero syempre kasama na din po dito ang pamilya at mga mahal sa buhay. Para sa akin ang pagpasok ko po dito sa NLEX bilang isang empleyado. Sa halos 7 years ko po dito sa NLEX araw-araw ko pong ibinibigay ang 100 percent na pagmamahal at pagpapahalaga sa trabaho ko sa pamamagitan ng pagtupad ng aking mga tungkulin at obligasyun sa trabaho. Sinisigurado ko po na nagagampanan ko ng maayos ang aking trabaho higit pa po sa expectations nila sa akin. Tulad na lamang po ng nagdaang PANDEMIC. Isa po ako sa mga empleyado na mas piniling ilaan ang sarili sa trabaho sa kabila po ng banta ng COVID 19. mas pinili ko po na pumasok sa trabaho para matulungan ang company sa kanyang naging malaking hamon sa banta ng COVID 19 dahil halos wala pong gustong pumasok nung panahon na yun dahil sa takot na mahawaan o mgkaroon ng COVID. Hindi po ako nag-alinlangan na pumasok dahil alam ko po na mkakatulong ako sa company ganun din naman po sa mga motorista po natin na kailangan ang ating serbisyo. Gayunpaman hindi man po ito naging madali para sa lahat pero nagawa po namin itong malampasan. At sobrang pasasalamat ko po sa company natin dahil hindi po niya kami pinabayaan. Kinilala din po ako ng company bilang isa sa mga bayani ehe..chariz lang po.pero binigyan po ako ng parangal ng company..sinisimbolo po ito ng PHILIPPINE EAGLE. Presidential Pin of Honor na ibinigay po ni President Sir Luigi Bautista po. Sobrang pasasalamat po dahil naappreciate po nila ang aking dedikasyon at pagmamahal sa trabaho. At masasabi ko po na mas lalo ko pa pong pagbubutihan ang aking trabaho..Mas lalo ko po itong mamahalin para na rin po ito sa aking pamilya na isa din po sa mga rason kung bakit ako po ay nagsusumikap sa araw araw. Salamat po at sana po ay mas lalo pa pong magtagumpay ang ating kumpanya🤗😇 NLEX AKO NAG IINGAT AT NAGSISILBI💙💙💙

Image Source: kumospace.com

2. Patricia de Guzman, Toll Operations

Gusto ko lang po sana ikwento kung saan po ako naging Extra. Naging Extra ATE po ako sa pamilya ko.

Naging extra po ako sa trabaho. I need to give my best and everything para po maging extra din ako sa pamilya ko. Buhay pa po ang Parents ko pero hiwalay po sila. May mga kapatid po ako. 2 po. Pero ako lang po ang may work. Yung bunso po graduating na po sa college at ako po ang nag papaaral since sya po ay Grade 7.  Dahil nga po ako lang ang may work samin i need to work extra aside from working here in nlex corporation i also have a side line. Nag bebenta po ako ng kung ano ano after ng duty kahit po pag lalako ng isda para mag karoon ng extra income. While doing my best as an employee God answered my prayer. Naging Regular po ako dto sa Nlex.(THANKYOU LORD, THANKYOU NLEX)  Kahit pagod po sa trabaho masaya po ako dahil naibibigay ko po ang needs and wants ng family ko. I feel extra special pag na replyan na po ako ng kapatid ng THANK YOU ATE.

Madami pong hindi naibigay samin ang magulang namin pero handa po akong ibigay ang lahat para sa mga kapatid ko hindi po ako mapapagod maging EXTRA ATE

Being Extra is not easy but it’s worth it when you feel appreciated by the people you love.

Image Source: Shutterstock

At the end of the day, being extra is about showing that you care. This includes showing you care about your work, your relationships, and the people around you. It is the little things that make a big difference, turning the ordinary into something memorable. Whether you put in extra effort at work, or you go the extra mile for someone you love. Remember that it is always worth it. When you choose to be extra, you are not just adding value – you are also creating moments that truly matter.


Amirah Eloise M. Banda, Human Resources and Administration. She is a passionate individual with a love for two things – photography and dogs. When she is not behind the lens, she also enjoys going on adventures, watching movies, and listening to music.


Leave a comment