The Podium

“Salamat sa Blessings ng Pasko!”

Hindi kaila sa atin ang mga pagsubok na kinaharap natin ngayong taon.

Gaya ng:

  1. Pandemya magmula noong Marso;
  2. Sa hindi naabot na traffic and revenue targets sa kasalukuyang taon;
  3. Sa Bocaue at Sta Rita infection – that quarantined more than 40 of our tellers;
  4. Sa Pampanga truckers blockade noong November 07;
  5. Sa Bocaue flooding dahil sa typhoon “Ulysses”, at sa sunod sunod na bagyo na lubos na nakaapekto sa bilang ng ating traffic;
  6. Sa mga adjustment na kailangan gawin bunsod ng panukala ng gobyernong magpatupad ng 100% cashless transaction; at
  7. Sa nakaraang pasuspindi ng ating business permit sa lungsod ng Valenzuela na umabot pa hanggang senado

Ngunit, itong mga pagsubok na ito rin ang nagpakita kung sino tayo bilang isang kumpanya, bilang isang empleyado ng NLEX. Sabi nga ni Helen Keller, isang kilalang bulag at piping manunulat: “Character cannot be developed in ease and quiet. Only through experience of trial and suffering can the soul be strengthened, ambition inspired, and success achieved.”  Dala-dala natin ang ating mga values sa pagharap sa mga pagsubok na ito. Kilala natin ang ating mga sarili kung kaya’t alam din natin ang tama at matuwid na pamamaraan sa pagharap sa mga unos ng 2020.

Bagamat sinubok ng mga hamong ito ang ating katatagan bilang isang kompanya, hindi maikakailang marami pa ring “blessings ang ating natanggap” ngayong taon.

  1. Isa na rito ang matagumpay na pagbubukas ng C3/R10 noong June 15, bagaman mayroong krisis;
  2. Ang pagkamit natin ng Investors in People Gold noong Hunyo at 2020 Employer of the Year sa kategoryang Gold 250 or more employees ng Investors in People Awards nitong Nobyembre lamang, ang syang patunay nang pagpapahalaga natin sa ating mga empleyado;
  3. Ang pagpapatupad ng toll rate adjustment noong November 25, bagaman natagalan;
  4. Ang mas pinaigting na partnership natin sa gobyerno na syang naging daan para ma-lift ang suspension ang operations natin sa Valenzuela at para mas mabilis na maipatupad ang adjustments para na rin sa kaginhawaan ng ating mga motorista; at
  5. Ang hindi natin pagsuko, bagaman sumadsad ang ating negosyo. Ganundin, sa pagsusumikap nating bumangon at maka-angat sa lalong madaling panahon.

Ilan lamang yan sa mga dahilan upang tayo ay patuloy na magpasalamat at maging tapat sa ating layunin na maging katuwang ng ating mga kababayan sa pag-unlad.

Mga kasama, higit sa mga tagumpay na ito, kayo ang totoong “blessings” ng Pasko para sa NLEX. With all the challenges we faced, and the triumphs we achieved this year, your dedication, commitment and professionalism have made it possible for the company to triumph over these challenges, complete the projects, implement the toll adjustments smoothly, win the IIP award, get to where we are today – alive and kicking. Kaya naman, maraming maraming salamat sa inyong lahat. Nagbunga ang ating pagsisikap at sakripisyo.

Mahirap man ang ating pinagdadaanan — financially, emotionally at physically — tandaan natin ang tunay na mensahe ng Pasko – ang pasalamat sa Diyos sa lahat ng biyaya at tagumpay, ganoon din ang pasalamat sa bawat isang nagpahalaga at nagmahal sa NLEX Corporation.

Ngayong haharap tayo sa bagong taon, pinaghahandaan na rin natin ng puspusan ang mga planong binabalangkas sa hinaharap upang tuloy-tuloy na ang ating pagbangon.  Sisikapin ng buong pamunuan ng NLEX na maipaalam ito sa inyong lahat. It has been our desire to see to it that transparency of our action, and wider reach to communicate our important plans to all concerned will be undertaken, in keeping with our IiP principles and practices.

Alam natin na mayroong inaasahang pagbabago sa NLEX bunsod ng cashless toll transaction na ipinanukala ng Gobyerno. Kabilang na rito ang mga planong business transformation and diversification na patutunguhan ng ating grupo sa 2021. Sa lahat ng ito, makakaasa kayong ang kapakanan ng mga empleyado ang isasa-alang-alang, una sa lahat. 

Christmas is the season of hope, and we at NLEX have much to be hopeful for in 2021.  The future is ours, and the future begins now.

Taimtim na hiling ko ngayong Pasko ang tagumpay nating lahat!

#NLEX tayo, #Nag-papahalaga, #Nag-papasalamat!

Merry Christmas po NLEX!


Did you like this article? Give it a clap!


Next: What’s News: NLEX Corporation Business Plan Rollout: Sama-sama sa Pag-angat sa 2021

%d bloggers like this: