#Trending: The New You in 2022

by Khate Sabado

It seems that the new year brings a reset to all that had happened in the past, ushering in a new beginning, a fresh start, a new hope and another chance to better ourselves and everything else around us. 

Traditionally, we talk about new year’s resolutions, what we intend to change within ourselves, our plans, and our goals – things we want to achieve within the year. We also have expectations for good things to come and happen – things we look forward to in 2022.

Here are some of the new year’s resolutions, plans and outlooks of employees from Traffic Operations for 2022:

Reggie Macapagal, Traffic Operations Supervisor

“Gusto ko mag start sa #BalikAlindog program para magkaroon naman ng kaunting ‘hump’. Plano ko ding mag upgrade ng motorcycle from Kawasaki Z1000, sana makabili ako ng mas modelo naman, mga 2020–2021-year model para mas tipid sa gas.   Sana magkaroon pa tayo ng maraming good news para more blessings and more bonus from the company gaya ng dati.”

Eric Salinas, SCTEX Toll Operations Supervisor

“Since bago ako sa position ko ngaun as supervisor and dito na ako na assign sa TOCB, I look forward to gaining more knowledge so I could be more efficient in my work.  I hope that aside from my existing sari-sari store and lending business, I could come up with another business idea where I could make a good investment.  I am expecting more opportunities to open for me.”

Onofre Punzalan, Traffic Investigator

“Wala na akong new year’s resolution, hindi na uso, hindi naman natutupad eh.  Basta ako inaasahan kong makapagtapos at makapag-graduate ng Maritime Transportation ang anak ko.  Sana madagdagan na kami dito sa SCTEX para maging mas maayos at mas masaya ang pagtatrabaho.”

Bianca Mariefrance Viadan, TCR Specialist

“Gusto kong ma-improve ang aking personal skills, get back into writing literary pieces ulit, magsulat ng stories.  Gusto ko matapos na yung finishing ng bahay naming sa isang subdivision sa Tarlac City.  Sana matapos na ang pandemic para makapag-backpacking ulit sa Baler or Cebu.  Pag sinuwerte pa, sana makapag-travel sa Japan or South Korea man lang.”

Lourel Gueco, TCR Specialist

“Gusto ko ng good health palagi kaya diet at exercise. Sana matapos na yung 2nd floor ng bahay naming sa Dau, Mabalacat.  Sana tumaas ang volume of motorists na nagdaraan sa ating expressway at maka-adapt na lahat sa new normal. Para magkaroon tayo ng malaking at mas maraming bonus gaya ng dati.”

Maria Margie Nacino, Patrol Crew

“Dapat this year, magka-jowa na ako para magkaroon na akong anak na kambal na blue eyes.  Target kong makakuha ng US Visa para matupad ang new year’s resolution ko.  Wish ko din maging Covid-free na tayo at maging back to normal na ang lahat para makapag travel na nang walang hassle.”

John Fredderick Catalan, TCR Specialist

“I will strive to have better work performance para magkaroon ng mataas na increase at bigger bonus. I plan to have a bigger investment for higher savings.  I intend to improve my vlogging thru its content and its quality.  I look forward to more subscribers and viewers.”

Michael Ocampo, Traffic Operations Supervisor

“This year pilitin na maka-ipon at, makapag-generate ng another source of income.  Magkaroon ng business. I am expecting na magiging mas efficient na ang lahat sa paggawa ng tasks para mas maganda ang output ng performance.”

Imelda Exiomo, Traffic Sector Specialist

“I want to maintain good working relationship with my colleagues.  Sana mawala na ang pandemic or at least ma-lessen na ang cases ng Covid especially dito sa workplace.  Wish ko sa sarili ko at sa family ko, good health always.”

Philip Dela Cruz, Traffic Sector Specialist

“New Year’s resolution ko ay to stop smoking.  Pag nagawa ko iyon, makaka-ipon na ako ng at least Php 140 per day. Gusto kong mag focus sa work para maging maganda ang aking job performance at makapag expect tayo ng magandang bonus.”

Merwin Perez, Patrol Crew

“Gusto kong ma-maintain ang good health at matigil ko na ang pagyo-yosi.  Sana this year ay magka-baby na kami ni Jillian.  Expect ko maging maganda ang pasok ng taon kaya more blessings para sa lahat.”

Claessie Balaoing, Process Improvement and Compliance Supervisor

“New year’s resolution ko aside from adapting healthy lifestyle ay dapat matuto na akong mag delegate ng tasks. Iiwasan ko na  saluhin at sarilinin lahat ng trabaho.  Sana this year ay makapagpatayo na kami ng sariling bahay naming sa San Rafael.  Gusto ko din ma improve ang retirement plan ko, magkaroon ng mga business opportunity at investments.”

Catherine Del Mundo, Traffic Operations Manager

“New year’s resolution ko is to be fit and healthy while spending more time with the family.  Na-achieve ko na ang goal ko for the year dahil kahit mahirap ay nagawa kong matapos at maipasa ang masteral ko.  Inaantay ko na lang ang confirmation ng aming graduation.  I expect na mas magiging conscious na ang mga tao ngayon.  Though matagal pa maging covid-free, at least ma-lessen ng ma-lessen ang cases. “

Erlie Arellano, Patrol Crew

“Kahit hindi new year, gusto kong maging mas productive sa work para makabili na ako ng Fortuner.  Good luck and good fortune yun ang inexpect kong dalhin sa atin ng 2022 para sa lahat.  Sana lumago ang business ko at matapos ang pandemic.”

Rey Mark San Pedro, Patrol Crew

“Sana maging laging healthy.  Kumain ng mga masusustansyang pagkain.  Sana maging sapat ang naipon para matuloy na ang planong pagpapakasal sa March.  Mawala na sana ang Covid para hindi na tayo kailangang laging naka facemask.”

Marvin Camua, Traffic Sector Specialist

“Gusto kong magbawas ng timbang at bumalik sa 75 kilograms lang.  Kailangan mag exercise at magbawas ng kanin.  Pag-igihin ang ating trabaho para tayo ay magkaroon ng maraming bonus at mabalik na ang dati nating mga benefits.”


The hope that the new year brings truly gives a spark to our grit and resiliency. May this hope inspire each one of us to create better days for our selves, family members, customers, and our company this 2022.


Next: All is Well: 2022 Lifestyle Trends, Work Set Up, and Fashion

Previous: Stay Focused: Why We’re Happy Working on Holidays


%d bloggers like this: